Abante Tonite Interactive

Dennis-Jennylyn grabe ang b-day pakilig

770

Sweetness overload ang Kapuso lovebirds na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Nag-birthday vacation ang DenJen sa Dubai bilang magkasunod ang kanilang kaarawan at nakagawian na nilang mag-travel tuwing birthday nila.

Nag-38 si Dennis nu’ng May 12 at nag-32 naman si Jen kahapon, May 15.

Tamis-tamisan ang post ni Dennis sa IG ng pic ni Jen na may caption na, “Umulan, Bumagyo… Gumuho man ang mundo Ikaw at Ako pa rin. Happy birthday Mahal ko.”

Mula ‘yon sa lyrics ng kantang “Remember Me” ni Renz Verano.

May kasamang short video ang post na ‘yon ni Dennis na nag-greet ng good mor-ning ang mag-sweetheart na mukhang kuha mula sa balkonahe ng hotel nila sa Dubai.

Kilig-kiligan ang DenJen fans nang mag-kiss ang dalawa sa dulo ng video.

Madalang mag-social media si Dennis pero hindi nawawala ang sweet post niya na gano’n sa tuwing birthday ni Jen.

Nauna ang swit-switang post ni Jen nu’ng birthday ni Dennis, na ang caption niya ay, “When I think of you, my heart goes (na sinundan ng iba’t ibang klase at kulay ng heart emoji). Happy birthday!”

May kasama ‘yong kissing pic nilang mag-sweetheart na nakapulupot ang dalawang braso ng Kapuso actress sa actor.

Kahit nasa abroad ay panay ang plug ni Jen sa kanyang IG stories ng romcom series nila ni Gabby Concepcion na “Love You Two.”

Bago sila umalis ay binigyan na si Jen ng surprise advance birthday celebration ng co-stars niya sa set ng “Love You Two.”

Nakapag-celebrate na rin sila rito ng birthday ni Dennis kasama ng family nito.

Joao ipapakain ni Sue sa zombie

Ang bongga ni Sue Ramirez. Libre ang biyahe niya to South Korea dahil kinuha siyang Korean Tourism Ambassador to the Philippine­s ng Korean Tourism Organization (KTO).

Si Jessy Mendiola ang nauna sa kanya, after 3 years ay si Sue naman ang kinuha ng KTO. Magti-3 years na raw si Sue kaya malapit na rin daw siyang mapalitan.

Ang pinaka-duty niya lang ay maging present at mag-perform ‘pag may event ang KTO, at siyempre to promote South Korea, na hindi raw mahirap gawin bilang bet na bet ng mga Pinoy ang anything Korean.

Wala raw bayad dito si Sue, sagot lang ng KTO ang trips niya to Korea, na ang nasa kontrata ay at least once a year.

Naka-tatlong biyahe na si Sue to Korea at may nakita na rin siyang Korean star, pero ang gusto niya raw talagang ma-meet ay si Kim Soo-hyun na nagbida sa “My Love From the Star.”

Pinapili namin siya kung si Kim S­­oo-hyu­n o si Joao Constancia ng BoybandPH at mabilis na, “Joao!” ang sagot sa amin ni Sue.

Happy sina Sue at Joao sa kanilang relasyon, pero hindi pa raw nila na-try mag-Korea together.

Kung pupunta sila roon ay dadalhin niya raw si Joao sa Busan during the cherry blossoms festival.

“Magti-train kami, tapos ipapakain ko siya sa mga zombie doon! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Sue.