Abante Tonite Interactive

Dennis-Jennylyn kaagaw ng AlDub sa ‘Descendants’

373

tonite-pak-allan-dionesMukhang may magiging mahigpit na kalaban sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa Pinoy adaptation ng hit K-novela na “Descendants of the Sun.”

Matindi kasi ang clamor ng mga AlDub fan na sina Alden & Maine ang ku­ning bida ng GMA para sa planong Philippine version ng nasabing Korean TV series.

Noon pa napapabalitang si Alden ang magbibida rito at nag-express na ng interes dito ang Pambansang Bae, na sang-ayon din kung si Maine ang kanyang makaka­pareha.

But we heard from a GMA insider na drama ang mas gustong gawin ni Alden dahil kakatapos lang niyang mag-aksyon sa “Victor Magtanggol.”

Eh mas action-romance daw ang “Descendants” so baka hindi ito ang project na mapunta kay Alden bilang sa drama niya mas gustong mag-focus.

Ngayon, ang sigaw ng mga DenJen fan ay Dennis Trillo and Jennylyn Mercado for “DOTS” Pinoy version.

Bagay na bagay raw kay Dennis ang role ni Song Joong-ki na si Big Boss at perfect naman daw si Jennylyn para sa Beauty role ni Song Hye-kyo.

Ipinost pa ng mga DenJen fan ang picture ni Dennis na kasama nito si Song Joong-ki na kuha sa 2016 Seoul International Drama Awards kung saan parehong tumanggap ng award ang dalawang aktor.

So, doon pa lang ay tila ­lamang na si Dennis dahil may personal encounter pa sila ng Korean superstar.

At isa pa, nagkainlaban ang Song-Song couple nang gawin nila ang “Descendants” nu’ng 2016 at the following year ay nagpakasal sila.

Parang swak na swak sa DenJen, na mag-sweetheart in real life at malaki ang chance na after nilang gawin ang “DOTS” ay sa simbahan din ang tuloy gaya ng Song-Song couple.

Interesting, ‘di ba? Parang ­perfect Kapuso serye nga ito para kina ­Dennis at Jennylyn.

Kayo guys, sinong mas bet n’yong magbida sa “DOTS” ng GMA? AlDub o DenJen?!

Catriona willing mag-lava walk kay Tyra Banks

Tila may hangover pa rin si Tyra Banks sa pinasikat na pagrampa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Tweet ni Tyra nu’ng isang araw, “Can’t stop thinking about that ­#LavaWalk.”

Kaya nag-tweet back dito ang Miss Universe Twitter account ng, “We would love to see you and @catrionaelisa #lavawalk together.”

Na-excite dito si Catriona at ang reaksyon nito sa kanyang Instagram Story ay, “Would be a dream, @tyrabanks.”

Impressed talaga ang American model-TV host sa ating Miss U winner at nu’ng pa­geant pa lang ay panay na ang puri niya sa ating Pinoy pride.

Sana nga ay makapag-guest si Cat sa “America’s Next Top ­Model” na hinu-host ni Tyra at sabay silang mag-lava walk sa show. PAK na PAK ‘yon kapag natuloy.

Sobrang ine-enjoy ni Catriona ang kanyang time sa New York at ang saya ng kaliwa’t kanang interviews niya roon.

Panalo sa chika si Cat kaya natutuwa ang lahat ng nag-iinterbyu sa kanya. Nagsadya ng NYC si Ms. Jessica Soho para makapanayam ang bagong Miss U, na ipapalabas ngayong gabi sa GMA.

Vice ‘Songhorse’ ang bagong title

The Songbird and The Songhorse” na pala ang pamagat ng Valentine concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda.

Aliw ang title na biglang nagkaroon ng bagong taguri kay Vice na ‘Songhorse’ bilang pantapat sa Songbird tag ni Regine.

Reynang-reyna ang dalawa sa poster na pareho silang may suot na korona at ang hahaba ng buhok.

No just one, not just two, but three nights ang pasabog na first concert nina Regine-Vice sa ­Araneta Coliseum sa February 14, 15 & 16.

Si Paolo Valenciano ang direktor nito at tig-isa sila ng musical director. Si Raul Mitra kay Regine at si Marvin Querido kay Vice.