Abante Tonite Interactive

Dennis matindi ang pagkabaliw kay Jennylyn

0 7,956

Nagpaulan ng katamisan ang magkasintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa social media habang nasa bakasyon sila sa Balesin. Simpleng #balesin2018 lang ang nakasulat sa caption.

Halos parehong nagpapakita ng kanilang romantic moment ang l­arawan sa IG wall nila.

Mas lalong naging sweet ang moment nila sa Balesin dahil sa birthday message ni Dennis para kay Jennylyn. Mararamdam ang matinding pagkabaliw sa pag-ibig aktor kay Jen.

Immediate-Hiring-Ads

@dennistrillo, “Papasanin ko kahit ang buong mundo para lang sayo, makita ko lang na lumigaya ka ng ganito, maligayang ka­arawan mahal ko.”

Napuno ng kilig ang post na ito ni Dennis. Maski ang co-star niya sa seryeng The One That Got Away na si Lovi Poe ay napabati kay Jennylyn.

Para kina Jennylyn at Dennis pasok ang kasabihang, “Love is lovelier the second time around.”