Abante Tonite Interactive

Dennis may babala kay Gerald

598

Kahit na sinong ama ay mag-aalala para sa anak na nasangkot sa isang kontrobersiya. Kaya naman to the rescue ang aktor na si Dennis Padilla matapos madawit ang anak na si Julia Barretto sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Dati na ring kumalat ang isyu na nakausap umano ni Dennis si Gerald. Dito umano inamin ng aktor na manliligaw siya sa anak nito.

Sa presscon ng bagong pelikula ni Dennis na “Sanggano, Sanggago at Sanggwapo­”, inamin niya na nakausap niya ang aktor dahil sa concern niya para sa anak. Pinaalalahanan rin umano niya ang aktor bilang ama ng kanyang­ anak at bilang lalaki katulad ni Gerald.

“Nag-text muna ako dahil, sabi ko… Kasi noong lumabas ‘yung issue, nag-text­­ lang ako. Tapos tumawag siya, kinausap ko. So, pagkausap ko, ni-remind ko lang sa kanya, ‘Pare, anak ko ‘yan.’ ‘Yun lang. Siguro naman alam niya na ‘yung lalim noon, ‘di ba, dahil lalaki naman siya,” deklara niya sa presscon.

Sa kontrobersyang kinasangkutan ng anak, pinayuhan ni Dennis si Julia na umiwas muna sa paggamit ng social media, hanggang sa mamatay ang isyu. Sinabi rin niya na magbakasyon muna ito, na ginawa naman ni Julia. Kamakailan ay nagtungo siya sa Hong Kong kasama ang mga kaibigan. (Ronaline Avecilla)