Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dennis proud kay Jennylyn

0 429

Marahil proud si Dennis Trillo sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Mukhang hindi niya ito binabawalan at hinahayan lang na ibigay ang kanyang opinion sa mga nangyayari sa ating bansa.

Makakatuturan naman kasi ang mga sinasabi ni Jen at nagsisilbing boses ng masa.

Wala naman kaming nakikitang masama sa pagpo-post niya ng mga isyu. Karapatan niya bilang taxpayer na ipahayag kung ano ang nasasaloob niya.

Walang kaplastikan na mararamdaman sa kanyang mga tweet dahil nagpapakatotoo siya.

Dapat lang naman na maging vigilant at dapat ding may boses. Mahihirap naman yung tatahimik ka na lang kahit may nakikita kang mali.

Sa palagay namin kahit mga advertisers napapahanga ni Jen sa pananaw niya sa buhay.

Halimbawa na ang Avon na hindi lang kaseksihan niya sa pictorial ang maipagmamalaki kundi pati ang kabutihan ng kanyang puso.

Hindi rin naman puro dakdak ang ginagawa ni Jen. Umaayuda rin siya sa tahimik na paraan. Hindi na pino-post sa social media para magpaka-Darna.

Post ng ng admin ng Jennylyn Mercado page, “Away from the limelight Jennylyn Mercado has been quietly helping out our frontliners. She does not want this posted but we are sharing this to inspire others to help out in their own little way. Just because people don’t post in social media, it doesn’t mean na hindi sila tumutulong.

Always remember that We are in this TOGETHER.

To our modern heroes maraming salamat sa inyong sakripisyo at serbisyo! “

Napabalita rin na tumulong sina Jen at Dennis sa

isang senior citizen na na-stroke sa Sto. Tomas, Davao. Bukod sa datung na pambili ng gamot nagbigay rin sila ng prutas, gulay at pagkain.

Ang pruweba ay makikita sa Facebook post ni Jenny Pearl Tangaro na nagpasalamat sa ayuda ng magdyowa.

Matatandaan ding nakiisa at lumahok sina Dennis at Jennylyn sa Bayanihan Musikahan . Fund raising concert ito para sa mga apektado ng pandemya ng COVID-19 .

Basta saludo kami kay Jen! Inggit lang ang mga artistang umookray sa kanya.

Sabi nga ni Lyn Ching sa Twitter,”Before she is an actress, she is a FILIPINO. Therefore may karapatan syang maglabas ng saloobin. Huwag ikahon ang isang tao base sa kanyang propesyon.”
Period, walang comma!

Period , walang comma!

Bahay show dinerek ni Zoren

Mas maaga na ang weekend bonding kasama ang Legaspi family dahil sa pinaagang timeslot ng paboritong Saturday morning talk-variety show na ‘Sarap, ‘Di Ba?’ simula ngayong Sabado (August 8), 10AM, sa Kapuso Network!

Makisaya sa unli-chikahan, easy recipes, at fun activities nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy at Zoren Legaspi na siya mismong direktor ng Bahay Edition ng Sarap, ‘Di Ba? na kinunan mismo sa kanilang tahanan.

Hindi rin dapat palampasin ang Kapuso stars na makikisaya at magbabahagi ng kanilang pinagkakaabalahan sa gitna ng quarantine.

Abangan ang masayang birthday celebration ni Nanay Carmina on August 15 kasama ang buong pamilya!

Bukod sa fresh segments, nandiyan din ang 5K giveaway promo na naghihintay para sa mga loyal viewers.

Leave A Reply

Your email address will not be published.