Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dennis target maging salbahe

0 262

Bet ni Dennis Trillo na sumabak sa mga mas challenging na role sa showbiz. Inilahad niya ang kagustuhang maging kontrabida nang mag-guest siya sa ‘The Howie Severino Podcast.’

“‘Yung talagang heartless na kontrabida na talagang kaiinisan. Gusto kong kainisan naman ng mga tao. Tingnan ko kung magiging effective ako ro’n,” deklara niya.

Sey ng aktor, para na rin sa kanyang mga tagahanga ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng bagong role.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Gusto ko lang din na binabago palagi ‘yung mga ginagawa ko para hindi sila nagsasawa. Kailangan mag-effort talaga at magpakita ng panibago palagi or interesting na kakapitan ka pa rin nila,” aniya.

Isa sa mga challenging na ginanapan ni Dennis sa teleserye ay ang pagganap niya bilang bading sa ‘My Husband’s Lover.’

“Nakakatuwa na minahal nila ‘yung show dahil nakita nila ‘yung mga sarili nila roon sa pinapanood nila. Nakakita sila ng mga ibang tao na kagaya rin nila,” lahad pa ni Dennis. ((Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.