Abante Tonite Interactive

Dennis type maging kontrabida ni Coco

By
0 707

Sobrang na-appreciate ni Dennis Trillo ang naging pag-like ni Coco Martin sa kanyang post nang mag-promote siya ng Cain at Abel sa kanyang social media account.

“Ganoon naman talaga ang dapat na attitude, nagtutulungan sa halip na naghihilahan,” sey niya.

Sa kanyang post noon, pinasalamatan din niya si Coco sa suportang ibinigay nito sa kanilang show ni Dingdong kahit pa sabihing magkaribal sa timeslots ang kanilang mga programa mula sa magkaibang network.

Katunayan, gusto rin daw niyang makatrabaho si Coco kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Hindi raw naman niya nakikitang imposible ito dahil nakatrabaho na niya ang Kapamilya actress na si Kim Chiu na leading lady niya sa One Great Love na idinirehe ng magaling na actor-director na si Eric Quizon.

Hirit pa niya, willing din siyang maging kontrabida ni Coco kung sakali.

“Dream ko rin naman na gumanap na kontrabida para maiba naman,” saad niya. “Iyong makatrabaho si Coco ay nasa bucket list ko rin,” pahabol niya.

Gayunpaman, pagkatapos ng insidenteng iyon ay wala pa raw naman siyang feelers sa kampo ni Coco sa proyektong puwede nilang pagsamahan.

Papel ng isang lalaking may pagtatangi sa kanyang best friend ang role ni Dennis sa One Great Love.
Kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival, bukod Kay Kim, kasama rin sa cast ng One Great Love sina JC de Vera, Miles Ocampo at Marlo Mortel.

Mula sa pro­duksyon ng Regal Entertainment, sa panulat ni Gina Marissa Tagasa at direksyon ni Eric Quizon, palabas na ang pelikula simula sa Disyembre 25, Araw ng Pasko.