Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dennis Uy-Shell deal sa Malampaya kakalkalin

0 59

Magsisimula na ulit ang Philippine Competition Commission (PCC) na busisiin ang mga tinatawag na merger and acquisition (M&A) dahil nag-expire na ang moratorium sa pagrepaso ng mga ito sa ilalim ng Bayanihan 2.

Kasama sa mga mabubusisi na ay ang pagbili ni Dennis Uy ng 45% na interes ng Shell Exploration BV sa Malampaya na inanunsiyo noong Mayo na nagkakahalaga ng $380 milyon.

Sabi ng PCC kahapon, apat lamang ang malalaking M&A na obligado itong repasuhin at aprubahan.

Ang M&A o ang pagbili ng mga kompanya ng iba pang mga kompanya at pagsasailalim nito sa iisang kompanya ay dapat pinapaalam sa PCC kung lampas ang halaga nito o aabot sa P50 bilyon.

SM food to go Banner Ad

Sabi ng PCC, apat na transaksiyon lamang ang lumampas sa P50 bilyon.

Ngayong tinanggal na ang suspensiyon, sinabi ni PCC chair Arsenio Balisacan na makapaglulunsad na ito ng mga motu propio review o mga pag-aaral na kusang gagawin ng komisyon.

Sa motu propio review, iimbestigahan ng PCC ang transaksiyon kung dehado dito ang mga konsyumer para mabawi o ayusin upang hindi lugi ang publiko katulad ng nangyari nang repasuhin nito ang pagbili ng Grab sa Uber noong 2018. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.