Abante Tonite Interactive

Dennis Uy sinupalpal sa bilyong loan

541

Binatikos ng Ma­kabayan bloc ang paghingi ni Davao-based businessman Dennis Uy ng sovereign guarantee sa bilyon-bil­yong pisong kanyang uutangin para sa luma­lawak pa niyang mga negosyo.

Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmeranes, hindi na nakapagtataka ang ginawang ‘buying spree’ ni Uy sa ilang mala­laking kompanya mula noong 2017 hanggang 2019 dahil inaasahan nito ang backing o suporta ng administrasyong Duterte.

Subalit ang pagga­garantiya pa ng gobyerno sa mga utang nito ay malinaw aniyang pansariling interes na dapat tutulan ng taumbayan, lalo na ng Kongreso.

Sa isang disclosure ng kompanya ni Uy na Chelsea Logistics and Infrastructure Corp. ay hinihingi nito ang garantiya ng Phi­lippine Guarantee Corp. (PhilGuarantee) para sa mga bagong loan nito sa mga nominated bank at financial institution.

Sa oras na pagbigyan ng gobyerno ang aplikasyon ni Uy ay magkakaroon ng mandato ang PhilGuarantee na bayaran ang 90% ng loan amount kung magkaroon ng default o hindi makabayad si Uy.

Bunga nito, binantaan ni Colmenares ang PhilGuarantee sa pagbibigay ng sovereign guarantee kay Uy at sa iba pang mga mala­laking negosyo at hi­namon din ang ahensiya na ilabas ang lista­han ng mga negosyong binigyan ng guarantee sa ilalim ng administras­yon ni Pangulong Rod­rigo Duterte.

“We warn PhilGua­rantee against giving sovereign guarantee to big businesses at the expense of farmers, SMEs and public housing who need these funds the most. Additionally, we demand PhilGuarantee not to give guarantees on the basis of the closeness of the applicant to Pres. Duterte instead of on the merits,” ani Colmenares.

Hindi pa batid kung ang hinihinging state guarantee ni Uy ay para lamang sa mga bagong uutangin niya o maging ang mga nauna nang loan sa iba’t ibang institusyon ay kasama.

Si Uy rin ang nasa likod ng development ng Clark Global City, ng third telco na Dito Telecommunity at $300M casino complex sa Cebu City.