Abante Tonite Interactive

DENR asam ang semis slot

178

Mga laro bukas:
(San Juan City gym)
2 p.m. – NHA vs PhilHealth
3:30 p.m. – Judiciary vs DA
5 p.m. – PITC vs DENR

Titiyakin ng bagong saltang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kunin ang solidong posisyon sa semifinals sa pakikipagtuos sa Philippine International Trading­ Corporation (PITC) para sa huling laro bukas ng 8th UNTV Cup 2019 second round eliminations sa San Juan City Gym.

Pag-iigihan ng lider na DENR Warriors (6-0) ang laro kontra sa katabla sa fifth spot na PITC Global Traders (4-3) sa alas-singko nang hapon upang samahan ang defending champion AFP Cavaliers (7-1) sa Final Four at kopoin ang kanilang ikapitong ratsada sa ligang inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.

Kukubra rin ng panalo ang Judiciary Magis (4-03) kontra Department of Agriculture (4-3) sa alas-3:30 ng hapon upang makatatlong dikit na panalo kung saan ang magkakampeon dito’y makakapaghandog ng P4M sa mapipili nilang charitable institution.

Didribol din ang kasosyo sa terserong NHA Builders (5-3) laban sa nasa ilalim na Philhealth (2-5) sa alas-dos nang hapon.

Ang dalawang mangungulelat tapos ng yugtong ito ang maliligwak na sa liga habang magtutuos naman ang rank 3 kontra sa rank 6 para sa quarterfinals pa-semifinals. (AE)