Abante Tonite Interactive

DENR-Cordillera umalerto sa illegal logging

0 170

Naitala ang Mountain Province na may pinakamataas na bilang ng illegal logging activity mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon sa buong bansa, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Cordillera Region.

Inihayag ng DENR-Cordillera na mahigit 6,000 board feet ng mga table na nagkakahalaga ng P222,000 ang nakumpiska sa Mountain Province sa loob ng anim na buwan.

Dahil dito, pinayuhan ng DENR-Cordillera ang mga residente ng nasabing lalawigan na isumbong at makipagtulungan sa pamahalaan para maaresto ang mga taong sangkot sa iligal na pagpuputol ng kahoy para mabigyan ng proteksyon ang mga kabundukan at kagubatan.

Iminungkahi rin ng kagawaran na irebisa ang tradisyonal na ‘Batangan System’ para masugpo ang iligal na pagputol ng mga puno at pagbiyahe sa mga table sa Mountain Province. (Allan Bergonia)