Abante Tonite Interactive

DENR dedma sa lockdown, minahan tuloy

680

Habang naka- lockdown ang maraming bahagi ng bansa, maghahakot ng mga mininang chromite ang Techiron Resources Inc. sa Eastern Samar.

Umaalma ang mga mamamayan sa Homonhon Island sa Samar nang malaman na may dumating na cargo vessel na may lulang mga Chinese national sa kanilang lugar para hakutin ang mga nakuha nitong chromite ores.

Sinabi ng St. John the Baptist Parish ng Homonhon sa Diocese ng Borongan, ang malakas na pagtutol nito na dumadagdag pa sa pag-aalala ng mga tao sa lugar kaya’t umaapela ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)- Mines and Geosciences Bureau, Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan para aksyunan ang insidente.

Ayon sa parokya, hinakot ang mga kargamento mula noong April 3 hanggang April 5 habang naka- lockdown pa ang lugar dahil sa COVID-19.

“Aware of the dangers this poses to our public health in view of the current pandemic due to COVID-19, we hereby state our strong opposition to the said loading operations in our island until after this health crisis is over,” sabi ng St. John the Baptist Parish-Homonhon.

Pinirmahan umano ni MGB regional director Leo Van V. Juguan ang mineral ore export permit ng Techiron Resources Inc. na kukunin nito mula sa Chromiteking Inc. na may ari ng Mineral Production Sharing Agreement sa Homonhon sa Eastern Samar.

Aabot sa $1.2 milyon ang halaga ng hahakutin o P61.2 milyon at ang excise tax na babayaran ay P2.4 milyon.

Ang MGB ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DENR.

Pinirmahan ni Juguan ang permit noong March 31, 2020 habang naka-lockdown pa ang lugar.

Tweet ni Daipen Montes, “Mines and Geosciences Bureau of Region 8! Ang sisipag nyo naman po kahit po nakalockdown ang Tacloban talagang nagwork from home pa yata kayo para mag issue nitong permit para magload ng chromite ang Techiron mining sa panahon ng Covid 19.”

Tweet ni @thiccbabygurl, “di ba to makaka antay when everything’s ok na???? NAPAKALWALANGHIYAAAA.”

Nagpasa ng resolution ang pamahalaang bayan ng Guiuan sa HOmonhon Island noon pang March 6, 2020 para bantayan ang labas pasok ng mga tao sa mga barangay nito at ang pagbabawal sa pagpunta ng mga dayuhan galing sa ibang mga isla o bayan. Walong punong barangay ang pumirma sa resolution.

Pinirmahan din ni Eastern Samar Governor Ben Evardone ang isang executive order na nagbabawal sa pagpasok sa lalawigan ng mga hindi residente doon kahit saan pa sila galing. Pinababantayan ni Evardone sa Philippine Coast Guard, sa PNP martime group at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa lugar na bantayan ang anumang barkong dadaung sa probinsiya. (Eileen Mencias)

Tonite – Wendys Inhouse Ad