Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR gagastos ng P43B sa Manila Bay rehab

0 70

Aabot sa P43 bilyon ang gugugulin ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Manila Bay, batay sa pagdinig ng House committee on appropriations nitong Lunes.

Sa deliberasyon ng komite, nagtanong si Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite kung magkano na ang nagastos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leones na mula 2019 ay gumastos na silang P3 bilyon at hihingi ng panibagong P1 bilyon para maipagpatuloy ang rehabilitasyon ng Manila Bay sa 2022.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinahayag din ni Leones na matapos lumabas ang Administrative Order No. 16 na nagpapabilis sa rehabilitasyon ng Manila Bay ay gumawa ang inter-agency task force ng plano at umabot sa P43 bilyon ang gugugulin dito.

Dahil sa kakulangan ng oras, humingi na lamang si Gaite ng report mula sa DENR kaugnay ng paggastos na ginawa ng gobyerno sa Manila Bay rehabilitation project. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.