Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR hinarang sa subdivision na may ostrich

0 214

Magsasagawa umano ng ligal na aksyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung patuloy pang haharangin na makapasok ang kanilang team sa isang subdibisyon sa Quezon City kung saan nakunan ang viral video ng tumatakbong mga ostrich.

Noong Martes unang kumalat sa social media ang video, noong araw ding iyon nagpunta umano ang team ng DENR at Biodiversity Management Bureau Veterinary Medicine pero hindi pinapasok ng mga guwardiya ng subdibisyon, ayon kay Undersecretary Benny Antiporda.

Kahapon muling nagpadala ng team ang DENR para magsagawa ng monitoring sa mga may hawak ng wildlife permit sa lugar.

Ayon sa DENR, pinapayagan naman ang pag-aalaga ng ostrich basta sumusunod ito sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act at may kaukulang dokumento.

Leave A Reply

Your email address will not be published.