Abante Tonite Interactive

DENR kampeon sa UNTV

333

Gumawa ng kasaysayan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) nang walisin sa best-of-three ang former champion Armed Forces of the Philippines (AFP) para kunin ang kampeonato sa 8th UNTV Cup 2019-2020 nitong Lunes sa Smart Araneta Coliseum.

Sumandal ang DENR Warriors kina Ed Rivera at Ralph Lansang na mga tumikada ng 24 at 22 points para tiklupin ang AFP Cavaliers, 99-91 at ibigay sa bagong saltang koponan ang titulo, unang nakagawa nito sa walong taon.

Si Rivera rin ang umangas sa DENR sa Game 1 sa kinayod na 15 markers para maging Finals MVP sa taunang torneo na mga itinaguyod nina Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan at Members Church of God International.

Inihandog din ng Warriors sa kanilang napiling charity na Environmental Heroes Foundation Incorporated ang P4M tax-free top prize na handog ng UNTV mula sa pangunguna ni Dr. Daniel S. Razon.

Nakakuha ang Cavaliers na pinangunahan ni Boyet Bautista sa 29 markers ng P2M tax-free at binigay sa AFP Educational Benefits System Office habang tig-P1M ang nakamit ng third at fourth placers.

Ang PITC Global Traders naman ang kumubra ng kampeonato sa 3×3 competition at P100,000 cash prize nang manaig kontra PhilHealth Plus.

Tonite – Wendys Inhouse Ad