Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR mangunguna sa National Bike Day

0 71

Pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ng National Bicycle Organization (NBO) ang pagdiriwang ngayong taon ng National Bicycle Day (NBD) bukas, Nobyembre 28, na may temang ‘Cleaner air through bicycle-friendly Philippines’.

Sinabi ni DENR Secretary Roy A. Cimatu, bagama’t nasa ikapitong taon na ang pagdiriwang, ang pangyayaring ito ay kauna-unahan pa lamang matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2020 ang ikaapat na linggo sa buwan ng Nobyembre kada taon bilang National Bicycle Day.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magugunita na hinikayat ni Duterte ang mga Pilipino na tangkilikin ang bisikleta bilang ‘sustainable and environment-friendly’ na paraan ng transportasyon sa pag-isyu ng Presidential Proclamation 1052 noong Nobyembre 18, 2020. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.