Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR nababahala sa mga basurang galing ospital

0 225

Habang patuloy pa ang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay natatambakan naman tayo ng mga medical waste, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“There is a surge in hospital waste and solid waste,” pahayag ni DENR Undersecretary Analiza Teh sa isang panayam sa telebisyon nitong Miyerkoles.

Nabatid na nasa 52 tonelada na ngayon ng mga basurang galing sa ospital ang naiipon sa bansa batay aniya sa datos na hawak nila.

Kasabay nito ay umapela si Teh sa publiko na maging maayos sa pagtatapon ng mga medical waste na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao at sa kapaligiran.

Payo nito sa publiko na ihiwalay ng garbage bag ang mga face mask at iba pang basura na delikado sa kalusugan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.