Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR nagkasa ng community pan-tree

0 325

Kasabay ng pagdiriwang ng Earth Day, nilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ‘community pan-tree’ na imbes pagkain at pangunahing pangangailangan, ay mga halaman ang pinamimigay para sa pagsusulong ng food security.

Kasama sa mga binahagi ng DENR ang punong kahoy, buto ng prutas at mga gulay. “Magtanim ayon sa kakayahan. Umani ayon sa pangangailangan,” ayon sa kagawaran.

SM food to go Banner Ad

Ang naturang proyekto ayon sa DENR, ay inisyatiba umano upang matulungan ang mga residente ng Metro Manila at makayanan ang kahirapan bunsod ng health crisis sa pamamagitan ng urban gardening at pagtatanim.

Ayon kay Lemuel Tolosa, Forester 1 ng DENR NCR, bawat indibidwal ay maaaring kumuha ng hanggang limang seedling o pananim sa Technical Services Office sa North Avenue, Diliman, Quezon City. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.