Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR nagtanim ng bakawan sa Tondo

0 67

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng rehablitasyon sa Manila Bay, nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng ‘mangrove planting activity’ sa Baseco lagoon sa Tondo, Manila.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ang planting activity ay bilang pagsisimula lamang ng habitat restoration sa bahagi ng Manila Bay.

Magsasagawa din ng malawakang mangrove planting activities sa shoreline ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat at Ecotourism Area, Parola, at Pasig River.

Kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsasagawa ng pagtatanim ng ‘endangered mangrove species’ o gapas-gapas, nipa, busain at nilad na nagmula sa Ecosystems Research and Development Bureau.

Anang Kalihim, wala umanong makakapigil sa kanila na buhaying muli ang Manila Bay kahit nakakatanggap sila ng pagbatikos mula sa iba’t-ibang grupo. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.