Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR nakadiskubre ng mga ecotourism asset sa ilang tagong lugar

0 79

Agarang inatasan ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na simulan nang i-conserve at i-promote ang mga protected areas sa bansa na maaaring maging ecotourism assets.

Ang mga protected area ay ang land and water na nag-aangkin ng unique physical at biological significance” na puwedeng ikunsidera conserved mula sa “human exploitation”.

Ayon kay DENR acting Secretary Jim Sampulna, ang economic value ng ecosystem services sa bansa ay nasa US$46 million oP2.3 billion na mayroon ang mga protected areas.

Sinabi pa ni Sampulna na ang mga protektadong lugar ay sources ng malinis na tubig, makukuhanan ng pagkain, kabuhayan para sa mga katutubong grupo.

“We are happy to report that we have now 246 legislated protected areas that are receiving regular government budgets to sustain their conservation program and operations,” ayon pa kay Sampulna.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi naman ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette-Romulo Puyat, na mayroon na silang napiling protected areas kabilang na dito ang Bongsanglay natural park, Balinsasayao Twin lakes natural park sa Negros Oriental, Apo reef natural park, at Mt. Hamiguitan, na nasa Davao, Summer island natural park sa Eastern Samar, at Mt. Timpoong Hibok-hibok natural monument sa Camiguin.

Nagpahayag naman si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na magugustuhan ng mga turista ang natural wealth ng bansa.

“By calling visitors and tourists from all corners of the archipelago and the world to view and experience our protected areas, we anticipate that many will finally learn to love and value our national parks and natural wealth as important sources of livelihood and ecosystem services such as water, erosion control, and natural task management,” ayon kay Año.

Sinabi pa ni Año na malaki ang maibabahagi ng mga local government unit (LGU) na makatulong na maprotektahan ang mga lugar. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.