Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR nilusaw 4 taon mining ban

0 144

Tuluyan nang natuldukan ang 4 taon na pagbabawal sa open pit mining sa bansa.

Ito ay matapos lagdaan kahapon Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang isang Department Administrative Order (DAO) na nag-aalis sa nasabing ban sa minahan.

Magugunitang noong 2017 ay naglabas ng administrative order si yumaong dating DENR Secretary Gina Lopez na nagbabawal sa open pit mining na sumisira sa kapaligiran.

Sinabi naman ni Cimatu sa kanyang kautusan, na hindi lahat ng open pit mining ay lumilikha ng lason sa kapaligiran.

Mayroon na aniyang mga best practices at control strategies para maiwasan ang panganib at banta sa kapaligiran sa pagmi­mina.

“To revitalize the mining industry and usher in significant economic benefits to the country by providing raw materials for the construction and development of other industries and by increasing employment opportunities in rural areas where there are mining activities thereby stimulating countryside development,” pahayag ng DAO.

Leave A Reply

Your email address will not be published.