Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR project suportado ni Isko

0 69

Suportado at nagpapasalamat si Manila City Mayor Fraciso ” Isko Moreno Domagoso sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglalatag ng tone-toneladang ‘white sand’ sa baybayin ng Manila Bay.

“The City Government of Manila is grateful with the project of the DENR. Natutuwa kami because they went beyond the plan to really make make Manila Bay vibrant,” ayon kay Moreno.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno sa kabila ng pagkondena sa proyekto ng DENR na nagkakahalagang P340 milyon.

Una nang nagpahayag ang grupong Oceana na makakasama ito sa Manila Bay at tatangayin lamang ng alon ang mga buhangin pailalim lalo na kapag may tumama na malakas na bagyo.

Hindi naman nagbigay ng kanyang komento ang alkalde at sinabi na mas may kaalaman ang DENR kung mapanganib nga sa kapaligiran ng Manila Bay ang naturang white sand. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.