Abante Tonite Interactive

DENR Region 1, BJMP Balaoan partner sa pagtatanim ng puno sa Arbor day

625

Sanib-puwersa ang D­epartment of Environment and Natural R­esources (DENR) Region 1 at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Balaoan District Jail, katuwang ang ilang ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, eskuwelahan, civil s­ociety group at mga residente para tumulong sa pagtatanim ng mga puno kaalinsabay ng pagdiriwang sa Arbor Day sa Brgy. Basca, Aringay, La Union ngayong araw, Hunyo 25, 2019.

Ang Arbor Day sa Pilipinas ay ginugunita tuwing ika-Hunyo 25 sa buong bansa sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, mga ornamental plant at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa nasabing selebrasyon.

Ang kahalagahan ng promosyon sa mas masiglang ecosystem sa mga tao sa pamamagitan ng rehabilitas-yon at re-greening sa kapaligiran ay nakasaad sa Proclamation No. 396, s. 2003.

Alinsunod sa section 8 of Republic Act No. 10176 o mas kilala bilang Arbor Day Act of 2012, “All able bo-died citizens of the Philippines, who are at least twelve (12 years of age, shall be required to plant one (1) tree every year.

“This is an important venue to foster our indisposed mother nature”, pahayag ni Director Tuballa.

“More hands will yield to greater number of trees to be planted. That is why We (BJMP) are here,” ayon naman kay Warden Lapon.

Inaasahang daan-daang namumungang puno ang itatanim sa mga bulubunduking bahagi ng lugar.