Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR sisilipin Chinese ebak sa West PH Sea

0 89

Kukuha ng mga water sample sa West Philippine Sea (WPS) ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para suriin kung positibo ito sa dumi ng tao.

Gagawin ito ng DENR matapos lumabas ang ulat na nagtatapon umano ang mga barko ng China ng dumi ng tao sa South China Sea at maging sa bahagi ng West Philippine Sea.

“Ipatse-check po natin iyan. At titingnan po natin kung ano ang pinakamalapit na lugar pong makukuhanan ng water [sample],” pahayag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda sa isang briefing.

Una nang ibinunyag ng isang US-based geospatial imagery firm na Simularity, na nagtatapon umano ang mga barko ng China ng dumi ng tao sa West Philippine Sea na nakakapinsala sa mga bahura.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Antiporda, nakikipagtulungan na sila sa Department of National Defense, Department of Foreign Affairs at Coast Guard para maberipika ang naturang ulat.

Samantala, pinanindigan ng Simularity ang kanilang ulat hinggil sa pagtatapon umano ng dumi ng tao ng mga barko ng China.

Sinabi nito na mali ang nilabas na litrato ng isang local news organization kaya nagkaroon tuloy ng kalituhan sa isyu.

Pinanindigan nito na hindi peke ang kanilang research and reporting at ang mga larawan na ginamit sa kanilang analysis ay galing sa multispectral satellites. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.