Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DENR sumugod sa binakurang Masungi Georeserve

0 908

Naalarma ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa napaulat na may mga armadong kalalakihan na nambakod sa bahagi ng Masungi Georeserve kaya agad na nagpadala kahapon ng kanilang mga tauhan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Usec. Jonas Leones, nagpadala na sila ng grupo ng mga manggugubat o ‘foresters’ sa lugar upang i-validate ang nasabing report at agad na mapigilan ang ginagawang aktibidad.

“If found in violation of existing laws after investigation, a demolition of the fences will be undertaken tomorrow,” giit ni Leones.

Nag-post ang Masungi Georeserve sa kanilang Facebook page kahapon ng umaga, na nagpakalat ng armed security personnel ang kumpanyang nasa likod ng pagbabakod sa nasabing lugar.

“Community members likewise report that this is not the first time the group has done something like this, and that some 1,000 hectares of forest around us are being claimed by them,” base sa post ng Masungi Georeserve.

Kinilala at naging eco-tourism site ang lugar dahil sa unique nitong limestone landscapes, at adventurous maging sa Instagram-worthy rope courses. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.