Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dentista, medtech isasabak na vaccinator

0 86

Mamadaliin na ng House Committee on Health ang pagdinig sa panukala na layong isabak bilang vaccinator kontra COVID-19 ang mga dentista at medical technologist.

Ayon kay Quezon Rep. Angelina Tan, chair ng nasabing komite, sa susunod na linggo ay sisimulan ng kanyang komite ang pagdinig sa House Bill 9354, na nag­papaamyenda sa section 9 ng Republic Act 11525 o COVID-19 Vaccina­tion Program Act upang mapahintulutan ang mga dentista at medtech bilang COVID-19 vacci­nators sa vaccine rollout ng gobyerno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Target umano nilang maipasa ito sa lalong madaling pana­hon, lalo’t kailangang-kailangan ngayon ng maraming vaccinator na isa sa makakatulong upang matamo ang hi­nahangad na herd im­munity.

Kapag marami aniya ang vaccinator, marami ang mababakunahan at sa pamamagitan nito ay maiibsan na rin ang ha­waan. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.