Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepdEd, DBM tinengga OT pay ng mga titser

0 68

Magsisimula na ang klase sa mga pampublikong paaralan sa susunod na linggo pero hindi pa rin inilalabas ng Department of Education (DepEd) ang guideline kaugnay ng overtime pay ng mga guro sa nakaraang school year.

Ayon kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, mahigit dalawang buwan na mula ng makipagdayalogo ang ACT sa DepEd at Civil Service Commission (CSC) kaugnay ng 87 araw na overtime work ng mga guro.

SM food to go Banner Ad

Sa deliberasyon ng CSC budget noong Martes, humingi ng update si Castro sa overtime pay guideline.

“They reported that the guidelines are still being resolved by the DepEd and the Department of Budget and Management (DBM). Anong petsa na? Kelan na matatanggap ng mga guro natin ang overtime pay na karapat-dapat lamang na ibigay sa kanila?” dagdag pa ni Castro. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.