Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd: 35 naispatang mali sa module

0 181

Nasa 35 error sa mga self-learning module na ginagamit ng mga estudyante ngayong distance learning ang namonitor ng Department of Education (DepEd).

“Ang report po sa atin as of 8 a.m. this morning, meron po kaming 35 na mga screenshot. Thirty-five po ang namonitor namin at sa 35 pong ito ay iba-iba `yong klase ng error,” ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio sa isang press briefing nitong Lunes.

SM food to go Banner Ad

Sabi nito, ang mga mali ay mula sa mga pagpipiliang sagot hanggang sa mga module na imbes na may kulay ay nai-print ng black and white.

Dagdag ni San Antonio, sa 35 na may maling self-learning module, isa lang doon ang na-review o dumaan sa kanilang team.

Itatama aniya ng DepEd ang mga module na may mali. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.