Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd: Balik-klase nakasalalay kay Duterte

0 180

Si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang masusunod sa petsa ng pagbubukas ng susunod na school year, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ito ang naging paglilinaw ng ahensya matapos sabihin ng isang DepEd official na posibleng sa Agosto 23 ang balik-klase ng mga estudyante.

Pinalagan ang naturang suhestiyon ng DepEd dahil magiging anim na linggo lang ang break ng mga mag-aaral, malayo sa tipikal na dalawang buwan.

“We will be proposing various options for the President’s consideration. The August 23 start date proposal is only one of the options since DepEd is mandated to open the school year not later than the last day of August under the same law unless the President intervenes,” ayon sa DepEd. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.