Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd, CHED, DTI kinalampag vs private school

0 47

Kinalampag ng isang kongresista ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of Trade and Industry (DTI) at mga local government unit para hulihin umano ang mga eskuwelahan na nagpapataw ng dagdag na singilin sa mga estudyante sa gitna ng pandemya.

Partikular na tinukoy ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin ang ilang private school na pinababayaran pa umano sa kanilang mga estudyante ang tinatawag “non-deliverables services” tulad ng library at aircon fee kahit hindi naman ito nagagamit dahil walang face-to-face classes.

Naniniwala si Garbin na dapat alisin at hindi ito pinababayaran pa sa mga estudyante.

“Charging fees for undeliverable services is short-changing the customer, which is against our consumer protection laws and the law on obligations and contracts,” giit ni Garbin.

Kasamang kinalampag ang DTI at mga lokal na pamahalaan dahil saklaw aniya ng kapangyarihan ng mga ito ang mga pribadong eskuwelahan bilang bahagi ng negosyo. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.