Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd, CHED sinisi sa online class suicide

0 113

Dahil sa hindi wasto at pagkabigong matugunan ng gobyerno, maging ng DepEd at CHED ang problema sa mental health ng mga kabataang Pinoy, tatlo na ang kaso ng education-relation suicide ang nangyari sa kasagsagan ng online learning dulot ng COVID-19 pandemic sa Bicol region.

“The poor and failed response of the government in the pandemic has taken its toll on Filipinos’ mental health. The mental health of students should be highly considered by DepEd and CHED in the pursuit of safe, accessible, and quality education amid the pandemic,” base sa FB post ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) – Bicol.

Nitong Agosto 2020 ay nagpatiwakal ang isang estudyante na dahil umano sa kahirapan at pandemya ay hindi nakapag-enroll sa kolehiyo, sinundan ito ng 19-anyos na grade 8 student na ayon sa nanay ay namroblema sa napakamahal na gastusin sa online class. Ang dalawa ay pawang mula sa Sto. Domingo, Albay.

Ayon sa NUSP-Bicol, ang pangatlong nagpakamatay ay ang 21-anyos na dalaga mula Sta. Elena, Iriga City, na ayon sa mga magulang ay wala naman silang alam na problema bukod sa online learning.

“The government should provide all necessary resources to ensure students’ access to education such as scholarships, stipends, gadgets, among others, especially for those poor and less privileged students,” giit ng NUSP-Bicol
“These students never choose to end their lives; the government has failed them, the rotten Philippine educational system took their lives away,” saad pa ng NUSP-Bicol sa Facebook post nitong Setyembre 12.

Dulot naman ng insidente’y naglunsad ng hotline para sa mga may katanungan tungkol sa mental health. National Center for Mental Health 24/7 Crisis Hotlines; Mobile: 0917-899-8727

Landline: (02) 7-989-8727 o 1553 (toll-free) (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.