Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Deped dapat sabihin totoong kalagayan ng blended learning

0 106

Iginiit ng isang mambabatas na dapat magpakatotoo ang Department of Education (DepEd) at sabihin ang totoong kalagayan ng implementasyon ng blended learning system na ipinatupad ngayong may pandemya.

Ayon kay Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong, bago magsimula ang susunod na school year ay dapat magbigay ang DepEd ng ulat sa bayan sa Kongreso na naglalaman ng detalyadong resulta ng blended learning system.

“By now, DepEd and CHED should assess this system, and let the public know if it is effective so far. Are students really learning in this mode of learning? Are teachers coping with new methods? Ask and consult with both parents and teachers on interventions that can be made to improve the quality of learning our students are getting,” ani Ong.

Sinabi ni Ong na dapat ay pinaghahandaan na rin ang pagkakaroon ng face-to-face classes sa mga lugar na wala namang kaso ng COVID-19.

“It’s been six months of facilitating our children’s education through online and modular learning. Some may have adapted to this new mode of learning, but there are many who remain struggling with online and module classes,” wika pa ng kongresista.

Paliwanag ni Ong, mayroong mga lugar na nahihirapan sa blended learning dahil sa mahina o walang internet connectivity.

Kahit na sa paggamit ng module para makapag-self study ang estudyante, kuwestyunable umano kung totoong natuto ang mga bata.

“Napag-iiwanan na ang marami sa ating mga probinsyanong mag-aaral lalong-lalo na sa mga lugar na wala naman talagang internet. While there is the modular system that is used as an alternative for online learning, I don’t think that they are learning enough. I think that face-to-face classes should be allowed in areas where there are no Covid- cases with zero possibility of transmission,” dagdag pa ni Ong.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.