Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd: Enrollment hanggang katapusan ng Mayo

0 249

May panahon pa ang mga magulang para ipalista sa early registration ang kanilang mga anak para sa school year 2021-2022.

Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes na hanggang katapusan pa ng Mayo puwedeng magpalista ang mga magulang ng kanilang anak na mag-aaral na sa susunod na pasukan.

Ayon kay DepEd Usec. Jesus Lorenzo Mateo, pinalawig nila ang early registration para mabigyan ng panahon ang mga magulang na ipalita ang kanilang mga anak.

Dahil pandemya pa, isinasagawa ng DepEd ang early registration sa pamamagitan ng Facebook chat, text messaging at mga drop box sa eskuwelahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.