Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd exec nireklamo sa .50 sentimo singil kada estudyante

0 189

Nahaharap sa reklamong administratibo ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) Taguig City-Pateros dahil umano sa pag-utos nito na maningil ng tig-.50 sentimos kada estudyante sa lahat ng public school na sakop ng kanyang distrito simula noong 2017.

Inireklamo sa Ombudsman si Marcial Sison, public school district supervisor ng DepEd Taguig-Pateros dahil sa umano’y kaso ng serious dishonesty, grave misconduct, grave abuse of authority, at paglabag sa reasonable office rule.

Nag-ugat ito sa umano’y kautusan ni Sison na mag-remit sa kanya ng tig-.50 sentimo kada estudyante ang bawat paaralan na nasa ilalim ng kanyang distrito para umano’y magamit sa pagpapaayos ng kanyang tanggapan, personal supplies at representation allowance kung dumadalo siya sa mga pulong.

Inakusahan din ang opisyal ng pamimilit umano sa mga school principal na i-remit ang nasabing nakolektang halaga tuwing katapusan ng bawat buwan dahil kung hindi ay ipapahiya at sesermunan umano sila nito sa kanilang district meetings.

Nabatid na mayroong halos 40,000 estudyante sa kanyang distrito lamang at ang pera ay kinukuha mula sa canteen at school funds. Sa alegasyon ng mga complainant, tinatayang aabot sa P40,000 hanggang P100,000 ang umano’y nakolekta ng respondent mula sa mga paaralan kabilang na ang benta para sa kanyang personal item na ipinagbibili sa loob ng mga kantina ng mga paaralan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.