DepEd hinahanting titser sa malisyosong TikTok

Iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang trending TikTok video ng isang lalaking guro na anila’y nagmumungkahi ng potensiyal na pang-aabuso sa bata.
“Inutusan na ni Kalihim Leonor Magtolis Briones ang Regional Director ng DepEd Central Luzon upang agarang imbestigahan ang viral TikTok video ng isang guro na nag-uudyok ng potensiyal na child abuse action, at bigyan siya ng kaukulang parusa,” saad ng DepEd, Biyernes ng umaga.
Sa ngayo’y buradong na ang video, nilarawan ng guro, na hindi pinangalanan ng ahensiya, ang paraan kung paano niya makukuha ang atensiyon ng isa niyang ‘cute’ na estudyante.

“‘Pag dumaan ‘yung cute na student mo, tamang pa-cute lang,” caption niya sabay kagat ng labi, ayos ng buhok, at sayaw sa tugtog.
Nabahala ang mga Pinoy netizen sa anila’y pagkakaroon ng ‘pedophelia tendency’ at ‘pagiging groomer’ ng guro. (Sherrylou Nemis/Riley Cea)