Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd ilalatag bukas-klase sa Malacañang

0 204

Magsusumite na ang Department of Education (DepEd) ng kanilang mga rekomendasyon hinggil sa pagbubukas ng klase para sa school year 2021-22.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, kanilang ipapasa ang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil din sa petsa ng pagbubukas ng klase, na unang napabalitang Agosto 23.

“So ang una pong option natin ay `yong unang lumabas, `yong August 23 at meron din po kaming ibang mga date na iprepresent po ni Secretary [Leonor Briones] sa ating Presidente,” ayon kay Sevilla.

Sa usapin ng face-to-face class, sinabi ni Sevilla na hindi pa rin ito gagawin hangga’t hindi aprubado ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease at ng Pangulo. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.