Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd kinalampag sa matagal pang distance learning

0 263

Wala pa umanong COVID-19 vaccine para sa mga 16-anyos pababa kaya naka-amba ang pagpapatuloy ng distance learning sa school year 2021-2022.

Ngayon palang ay dapat naghahanda na ang Department of Education (DepEd), ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor lalo at mayroong mga estudyante na hindi na nagpatuloy ng pag-aaral.

“Vaccine developers overseas are still trying to assess the safety of their shots on three age groups of children. They are also trying to ascertain the appropriate dosage for each age group,” ani Defensor, vice chairperson ng House committee on welfare of children.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito papayagan ang malawakang face-to-face classes hangga’t walang bakuna.

Ayon kay Defensor, dapat pagbutihin at palawakin pa ng mga eskuwelahan ang online learning ganundin ang modular at tv/radio-based instruction para mapigilan ang pagdami ng mga humihinto sap ag-aaral.

Dapat din aniyang himukin ng DepEd ang mga batang hindi nag-aral na bumalik sa klase.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.