Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd kinalampag sa mental health isyu

0 83

Nanawagan ang isang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) para tugunan ang nararanasang stress ng ilan sa kanilang mga kabaro kasunod ng ulat na isang titser sa Leyte ang nag-suicide matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawa nitong anak.

Ayon kay Raymond Basilio, secretary general ng Alliance of Concerned Teachers, pinapakita lamang nito ang matinding stress na nararanasan ng mga guro sa kasalukuyan dulot ng pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya pa, sagad na ang pisikal at mental na kakayahan ng mga guro sa pagtugon sa bagong sistema ng pagtuturo ngayong may pandemya at sila pa ang namimigay ng mga module.

Giit ng grupo na tugunan ng DepEd ang mga sanhi ng mental stress sa mga guro gayundin ang mga pangangailangan nila ngayong pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.