DepEd kukuha ng 10K bagong guro

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na itutuloy pa rin nila ang pagkuha ng karagdagang guro para sa pagbubukas ng klase sa Agosoto 24.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, 10,000 mga bagong guro ang kanilang kukunin bilang dagdag sa kasalukuyang teaching force sa bansa.
Nabatid na inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa hiring ng karagdagang mga guro. Tinapos na rin aniya ng DepEd ang Ranking for Qualified Applicants nitong buwan ng Hunyo para suriin ang mga dokumento ng mga nag-apply na bagong guro. (Dolly B. Cabreza)