Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd laban-bawi sa academic break

0 125

Pinayagan na rin ng Department of Education (DepEd) ang mga opisyal ng regional at school division office nila na magsuspinde ng klase at iba pang aktibidad kung nakasisiguro silang apektado na ang kalusugan ng mga guro at mag-aaral dahil sa dami ng tinatamaan ng COVID-19.

Base sa Deped memorandum, pinahintulutan ang mga regional at school division office na suspindehin ang klase sa kanilang nasasakupan ngayong buwan kung alam nilang kailangan para sa kaligtasan ng mga guro at estudyante.

Ang mga regional at school division office umano ang magtatakda ng petsa at kung ilang araw ang suspensiyon ng klase basta huwag itong lalagpas ng dalawang linggo para hindi maapektuhan ang school calendar.

Para naman sa mga pribadong eskuwelahan, maaari rin silang magsuspinde ng klase kapag delikado na sa COVID sa kanilang lugar para rin sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral nila. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.