Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd may 24M estudyante na ngayong pasukan

0 76

Halos nasa 24 na milyon mga estudyante na ang kasalukuyang naka-enroll sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan ngayong school year 2020-21 ayon sa Department of Education (DepEd).

Ito ang ipinahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones sa isinagawang online press briefing nitong Lunes at sinabi nitong ang accomplishment na ito ay maituturing na “very impressive”.

“Ang ating enrollment ngayon ang ating mga learners, umabot na ng 23.9 million, halos 24 million na ang learners natin na nag-register. Everyday, meron tayong dagdag dahil may mga late enrollees,” saad ni Briones sa isinagawang online press briefing.

“Ito ay napaka-impressive na accomplishment, dahil this is already 86.10 percent compared to last year’s enrollment,” dagdag pa nito.

Base sa datos na ipinakita ni Briones, sa kabuuang bilang na 23.9 milyon enrolees, mahigit 21.9 milyon sa mga ito ay pumasok sa pampublikong eskwelahan habang 1.9 milyon naman ang naka enroll sa pribadong eskwelahan, dagdag pa ang 365,000 na naka enroll sa alternative learning system (ALS). (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.