Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd: Mga titser `d kailangan bumili ng gadget

0 388

Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na hindi kinakailangang bumili ng laptop o computer ngayong ipatutupad ang alternative learning delivery modes dahil sa COVID-19 pandemic.

“The beauty of our approach is that we have options available for everyone. Hindi lamang para sa may laptop, o may cellphone ang bagong school year,” sabi ni DepEd Undersecretary Alain Pascua sa pahayag nitong Martes.

Gayunman, inamin din ng DepEd na importanteng may tamang gamit para sa pagtuturo ngayong may pandemya at sinisikap umano ng kagawaran na mabigyan ang mga public school teacher ng laptop at iba pang kagamitan.

Nabatid na noong Abril pa lamang ay naglabas na ng memorandum ang Office of the Undersecretary for Administration para payagan ang mga school head na maglabas o magpahiram ng gamit sa mga guro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.