Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd nakiramay sa naulila ng 5 titser

0 177

Nagpahatid ng pakikiramay ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa pamilya ng limang guro na pawang mga nasawi ng coronavirus disease (Covid-19) at patuloy na pagtaas ng bilang ng nagkakahawaan sa Isabela.

“We offer our sincere condolences to the bereaved families and loved ones of our fellow DepEd workers,” base sa statement ng DepEd.

Naglaan na ang DepEd ng tulong pinansyal sa pamilya ng limang guro at inihahanda na ang mga benepisyo na kailangan pang matanggap ng mga naulila.

Ang limang guro ay pawang nakatalaga sa Schools Division Office ng Isabela.

Patuloy namang mino-monitor ang kalagayan ng mga nakasalamuha at pamilya ng mga nasawi. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.