Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd nilimitahan oras ng online class

0 112

Naglabas ng guideline ang Department of Education (DepEd) para sa tamang bilang ng oras ng paggamit ng computer ng mga mag-aaral na sasailalim sa online learning mode ngayong wala pang face-to-face na klase dahil sa COVID-19 pandemic.

Nilinaw ng DepEd na bawat level ay mayroong nakatakdang tamang oras para sa paggamit ng mga gadget upang mapangalagaan ang mga mata at kalusugan ng mag-aaral.

Base sa Department Memorandum 2020-00162, ang mga kindergarten pupil ay bibigyan lamang ng isang oras na screen time sa paggamit ng gadget.

Habang ang mga Grade 1 hanggang 5 na mag-aaral ay pinahihintulutan lamang na gumamit ng gadget ng isa at kalahating oras sa bawat araw ng kanilang online learning activity at dalawang oras naman ang nakalaan para sa mga mag-aaral ng Grade 6 hanggang 8.

Maximum na apat na oras naman para sa mga Grade 9 hanggang 12 sa bawat araw ng kanilang online classes at kailangan umanong hatiin pa ito na dalawang oras sa umaga at dalawang oras sa hapon para sa blended learning ng Academic Year 2020-21. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.