Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd official tinawanan suicide ng estudyante, sinita

0 162

Pinuna ng mga netizen ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) matapos nitong tumawa sa pagbanggit na may mga mag-aaral na nag-suicide dahil sa module.

Sa panayam sa Sirib Express noong Disyembre 11, tinanong si Schools Division Superintendent Vilma Eda mula sa DepEd-Laoag City tungkol sa mga ginawang programa ng ahensiya kaugnay sa pagprotekta sa mental health well-being ng mga estudyante matapos itulak ang distance learning habang may pandemya.

Tugon niya, may mga webinar sila tungkol sa mental health issues na sinasagawa sa mga guro, magulang, at mag-aaral. Sa kabila umano ng mga programang ito sinabi ni Eda na, “Tapos meron pa rin ‘yung parang nag-suicide daw dahil sa module,” sabay tawa.

Dahil dito, tinawag si Eda na insensitive. Ilan sa komento ng mga netizen: “Being a student, it’s really struggling to adjust into modular/online learning tapos makakakita ako ng ganto, parang nakakapanghina talaga.”

“Nakakatawa pala yung nagsuicide dahil sa module? t*ng*nang mga ‘to mga pinag aralan nasa talampakan.”

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may hinaharap na suliranin, o nanganganib na kitlin ang sariling buhay: National Center for Mental Health 24/7 Crisis Hotlines; Mobile: 0917-899-8727; Landline: (02) 7-989-8727 o 1553 (toll-free). (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.