Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd pabigat sa mga guro – Castro

0 68

Sa halip na pagaanin ang trabaho, lalo pa umanong dinadagdagan ng Department of Education (DepEd) ang stress ng mga guro sa pampublikong paaralan sa pinagagawa nilang module.

Ayon pa kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, hindi naman pala trabaho ng DepEd ang gumawa ng mga learning material.

Inaalis ng Book Publishing Industry Development Act sa DepEd ang responsibilidad na gumawa ng learning material at inililipat ito sa National Book Development Board.

“DepEd’s responsibility was to provide the curriculum, monitor and validate the content of available learning materials and textbooks and guide publishers of the content of learning materials. Instead, DepEd puts a huge burden on its teachers and resources in producing learning materials,” ani Castro.

Kung sumunod lamang umano ang DepEd sa batas at hindi nagpilit na gumawa ng mga learning material ay hindi sana aniya nadagdagan ang trabaho ng mga guro. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.