Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd pasaklolo sa DOJ vs sablay na module

0 205

Lumapit ang Department of Education (DepEd) sa Department of Justice (DOJ) para mapanagot ang ilang nagpapakalat ng sablay na module kung saan ang iba ay hindi umano galing sa kanila.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, “Gusto ko rin pong bigyang-diin na hindi lahat ng nagiging viral sa social media ay nakikita natin na gawa ng DepED.” Saad nito, sa 800,000 na pahina ng module na nilabas ng DepEd, tanging 30 lamang ang nakita nilang error n amula sa departamento.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpatulong na si DepEd Secretary Leonor Briones sa DOJ para malaman ang kanilang sunod na hakbang sa mga nagpapakalat ng mga sablay na module.

“Nag-i-investigate naman kami. Na-establish namin na mayroon talagang hindi amin, pero sinasabing amin at ginagamit ang seal ng Department of Education,” lahad ni Briones. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.