Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd pinaghahanda sa bakuna ng mga bata

0 194

Kinakalampag na ngayon pa lamang ni Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan, partikular ang Department of Education (DepEd) para paghandaan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa 29 milyong kabataang Pilipino o iyong mga wala pang 18 taong gulang, simula sa Setyembre o Oktubre ngayong taon.

Ayon sa senador, unang dapat tugunan ang pangamba ng mga magulang lalo pa at marami pa rin aniyang mga Pilipino ang takot na magpabakuna laban sa COVID-19 base na rin sa isang survey.

Base pa sa pahayag ni Gatchalian, chairperson ng Senate committee on basic education, nakatakda namang mag-isyu ang DepEd ng memorandum kung paano makikilahok ang mga education frontliner sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa COVID-19 bakuna.

Mungkahi ng senador na maaari itong simulant ng DepEd sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang o sa Patent-Teachers Association (PTA).

Leave A Reply

Your email address will not be published.