Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd pinagpapaliwanag sa P95-B MOOE budget

0 195

Pinagpapaliwanag ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa paggamit ng kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na nakapaloob sa 2020 budget.

Ito’y matapos na malaman na may mga guro ang nangangalap ng donasyon para sa pagpapa- print ng learning modules.

Ayon sa lady solon, nakapost umano sa Facebook account ng mga guro ang kanilang pangangalap ng donasyon.

“Nais kong malaman ngayon sa DepEd kung bakit mayroong mga guro na kinakailangang mangalap ng mga donasyong bond paper at iba pang materyales para sa pag-print ng learning modules. Mayroon sila posts sa kani-kanilang Facebook accounts tungkol sa mga donasyon ng bond paper at iba pang bagay,” ayon pa kay Herrera

Kwestiyonable ito sa kongresista kasabay ng pagsasabing hindi maaring sa sariling bulsa ng mga guro kukunin ang mga gastusin para sa learning modules dahil kasama ito sa MOOA ng DepEd. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.