Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd profiling binakbakan sa Kongreso

0 229

Nagmistulang Pontio Pilato umano ang Department of Education (DepEd) nang ipag-utos ang profiling ng mga pampublikong guro na kasali sa mga militanteng organisasyon.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, sa halip na tulungan ang mga guro na nagsusulong na mapabuti ang kalagayan ng mga pampublikong paaralan ay ipinag-utos pa ng DepEd ang profiling sa mga ito.

“Nagsisilbing Pontio Pilato ang DepEd na ipinagkakanulo ang mga guro at ang kanilang mga sensitibong mga datos sa mga human rights violators,” ani Castro.

Ipinag-utos umano ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo sa mga school division office ang paglilista kung ilang guro ang miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa bawat rehiyon.

SM food to go Banner Ad

Kahalintulad umano ito ng ginawa ng Philippine National Police (PNP) na kinondena ng DepEd noong 2019.

“Now, DepEd is eating its words and even joined NTF-ELCAC in the profiling of teachers and violate their the right to organize and their right to privacy,” ani Castro.

Ang profiling na ipinag-utos ni Escobedo ay kasunod umano ng pagtanggi ng DepEd na makipagdayalogo sa ACT. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.